Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб My Puhunan: Kumita sa makabagong teknolohiya в хорошем качестве

My Puhunan: Kumita sa makabagong teknolohiya 5 лет назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



My Puhunan: Kumita sa makabagong teknolohiya

Ayon sa isang pag-aaral, isa ang Pilipinas sa “Top 10 Most Entrepreneurial Countries in the World” kaya naman hindi na kataka-taka na mapa-bata man o matanda, pinapasok ang pagnenegosyo. Isa na rito ang millennial na si John Paul Miranda. Tubong Bacolor, Pampanga si JP at anak ng isang public school teacher. Nagtapos siya sa kursong Information Technology at dahil hilig niya rin ang arts, naisipan niyang gumawa ng mga digital paintings. Habang pinagsasabay ang paggawa ng digital paintings, dalawang taong naging empleyado si JP. Dumating ang panahon, naisipan niya nang magtayo ng sarili niyang negosyo. Gamit ang P25,000.00 na puhunan, nagsimula siya sa digital paintings at paggawa ng website. Unti-unting lumago ang negosyo ni JP. Mula sa paggawa ng digital paintings, iba’t-ibang makabagong teknolohiya na ang ginagawa ng Information Technology and Business Solutions o ITBS. Ilan sa mga ito ay ang Barangay Information System, Transport, Traffic & Disaster Management System na ginagamitan ng artificial intelligence o AI para sa mga local government units o LGU. Sa ngayon, nasa humigit-kumulang isang daang tao na ang kanyang empleyado. Dahil sa kanyang makabagong technology solutions, ginawaran si JP ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI ng Injap Sia Outstanding Young Entrepreneur Award noong 2017. Patuloy pa rin si JP at ang kanyang grupo sa paggawa ng mga makabagong teknolohiya. Nais niya ring makilala ang Pilipinas pagdating sa artificial intelligence balang araw. Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch the full episodes of My Puhunan on TFC.TV http://bit.ly/MYPUHUNAN-TFCTV and on iWant for Philippine viewers, click: http://bit.ly/MyPuhunan-iWant Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook:   / abscbnnews   Twitter:   / abscbnnews   #MyPuhunan

Comments