Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб PANALANGIN KAY SAN ANTONIO DE PADUA SA ANUMANG PANGANGAILANGAN в хорошем качестве

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO DE PADUA SA ANUMANG PANGANGAILANGAN 1 год назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



PANALANGIN KAY SAN ANTONIO DE PADUA SA ANUMANG PANGANGAILANGAN

O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga kristiyano, kerubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig ng Diyos, ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa kanya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kanyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang-alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka na namin maaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkalaoob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan,(banggitin ang inyong mga kahiligan). O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya Nawa.

Comments