Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб It’s Showtime May 22, 2024 | Full Episode в хорошем качестве

It’s Showtime May 22, 2024 | Full Episode 3 недели назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



It’s Showtime May 22, 2024 | Full Episode

What’s up, madlang people! Ang inyong Miyerkules, gawing mas happy kasama si TNT Champ JM Yosures! Sagot niya ang jamming na pangmalakasan sa FUNanghalian. At pagkatapos ng kantahan, tayo’y magkuwentuhan. Si JM, mukhang nadulas nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang puso. Pag-ibig ‘feels’ naman ang dala nina Mutya Urquia, Beaver Magtalas, at Maxine Trinidad. Ang magic ng love, saan nila ihahalintulad? Kayo, madlang people, how will you define love? Matinding hulaan at aktingan ang naganap sa “Showing Bulilit.” Muling bumida ang mga future superstars na sina Argus, Kulot, Jaze, at Kelsey na habang tumatagal ay mas lalong gumagaling. Umpisa pa lang ay suko na si Vice Ganda. Baka hindi na naman daw kasi gumana ang buzzer na natapat sa kanya. Pero sa bandang huli, sila ng kaparehang si Cianne Dominguez ang umabante sa jackpot round. Teamwork mode on ang lahat na nagawa pang magturuan ng tamang sagot. Pero pansin ni Vice, sina Ogie Alcasid at Jugs Jugueta, medyo madamot?! Kung sa init ng panahon ika’y yamot na yamot, “Showing Bulilit” lang ang gamot! Bukingan na malala ang eksena sa “EXpecially For You” featuring ang ex-couple na sina Jinly at Gary. Una sa listahan ng revelations: si Jinly, nagawa raw noon na makipagsayaw sa kabilang table kahit magkasama sila ni Gary sa bar. At nand’yan pa nga ang eksenang nagtampo daw si Gary dahil nakulangan sa atensyon ni Jinly sa isang birthday party ng kamag-anak ni Jinly. At no’ng mahulog si Jinly sa hagdan, si Gary, wala lang daw pakialam. Hay. Pag-ibig na kay gulo, paano pa ba malulunasan ang sakit na idinulot nito? Mabuti pa’y kumilatis ng mga bagong makikilala. Sa usaping ‘yan, handa naman si Gary na suportahan ang dating nobya. Masarap na ang kantahan, masaya pa ang kuwentuhan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Sumabak sa entablado ang pambato ng Governor Mariano E. Villafuerte Community College na si Rens Borja na kumanta ng “Paminsan-Minsan.” Buong puso rin na lumaban si Albert Mandong ng Don Sergio Osmena Sr. Memorial National High School na umawit ng “Tanging Sa’yo.” Matapos ang bakbakan sa tanghalan, si Albert ang ‘pasado’ at nakakuha ng grado na 90% mula kina hurado Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Jed Madela. Samantala, bumilib ang “Showtime” hosts sa pagiging madiskarte at pursigido nina Rens at Albert. At si Meme Vice Ganda, aliw na aliw sa pakikipag-joke time sa dalawa! #ItsShowtime #ShowtimeFunFavorite #ABSCBNEntertainment

Comments