Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб It’s Showtime June 18, 2024 | Full Episode в хорошем качестве

It’s Showtime June 18, 2024 | Full Episode 8 дней назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



It’s Showtime June 18, 2024 | Full Episode

I-turn off ang sadness, at i-on ang happiness with the ‘Showtime’ family. Kami na rin ang bahalang mag-unlock ng iba mong emosyon tulad ng kilig na talagang mati-trigger ‘pag napanood mo ang matamis na performance nina TNT Duets champs JM Dela Cerna and Marielle Montellano. Uyyy! Ang ‘Showtime’ family, may napansin sa singing duo! Back to kantahan na may kasamang kulitan ang ‘Showtime’ fam sa “Karaokids.” Bahala na ang tropa sa panghuhula, basta sina Argus, Jaze, Kulot, at Kelsey, give na give lang sa pagkanta. Si Ogie Alcasid, may ‘violent reaction’ nang malaman na si Ryang Bang ang ka-tandem niya? In fairness, medyo bulol man, ginalingan pa rin ni Ryan. Kaya si ‘Kuys’ Vhong Navarro, pabirong nagreklamo nang i-consider na invalid ang kanyang sagot dahil sa maling pagbigkas. Biro n’ya, kung pronunciation ang basehan, bakit tinanggap ‘yung sagot ni Ryan?! Ah, basta ang Gen Z tandem nina Cianne Dominguez at Darren Espanto, tahimik lang sa umpisa, pero sa huli, sila ang panalo! Love story na nagsimula sa online class, malungkot ang naging wakas. ‘Attraction at first screen’ ang na-feel nila Ian at Aubrey para sa isa’t-isa. Kaya no’ng magkaraoon ng group work, hindi nila pinalampas ang pagkakataon na maging partners. Hanggang sa ang pagtitinginan nila online, nauwi sa totohanan. Pero nagkaproblema sa connection dahil sa closeness ni Aubrey sa kanyang guy best friend. Nasaktan si Ian nang mapansin na medyo ‘off’ ang palitan ng ‘banat’ nina Aubrey at ng best friend niya. Kahit pa tinalikuran ni Aubrey si best friend para kay boyfriend, hindi na nawala kay Ian ang ‘trauma’ ng nagawa niyang ‘kasalanan.’ Ang pag-ibig, ‘pag nagkalamat, pilitin mang ayusin, hindi na maibabalik sa dating ganda. Dahil ang lamat, pwedeng makasugat. Alamin ang kwento nina Ian at Aubrey sa “EXpecially For You.” Nag-aalab ang pangarap ng mga estudyanteng may natatanging talento. Handa na ang entablado sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Present si Kiselle Abalos ng San Ricardo National High School. Pangarap n’yang i-pursue ang nursing, pero sa ngayon, magpapakitang gilas muna siya sa singing. Pinabilib n’ya ang mga hurado sa pagkanta ng “I Have Nothing.” Mula naman sa University of Southern Philippines Foundation-Cebu, lumuwas si Secondary Education student Karla Villondo para tuparin ang kanyang big dreams. Namangha ang lahat sa pagkanta n’ya ng “Salbabida.” Masarap din ang naging kuwentuhan nina Kiselle at Karla with the ‘Showtime’ family. Dahil sa isang karanasan ni Kiselle sa pagpe-perform, naalala ni Darren ang kaparehong nangyari sa kanya sa “ASAP Natin ‘To.” Samantala, napag-usapan din nila ang love story ni Karla at mga side gigs n’ya. Ang haba ng hair ni Karla, kaya naman si ‘bestie’ Kim Chiu, bilib sa ganda ng mga kapwa niya Cebuana. Matapos ang kanilang performances, si Kiselle ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie, Marco Sison, at Dingdong Avanzado. Siya ang pasok sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

Comments