Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб MSG-AJINOMOTO FERTILIZER: PAMPABULAKLAK AT PAMPABUNGA в хорошем качестве

MSG-AJINOMOTO FERTILIZER: PAMPABULAKLAK AT PAMPABUNGA 2 года назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



MSG-AJINOMOTO FERTILIZER: PAMPABULAKLAK AT PAMPABUNGA

Mula sa Ajinomoto o Vetsin... MSG FERTILIZER: PAMPABULAKLAK AT PAMPABUNGA NG HALAMAN Ngayong araw na ito ay ise-share ko sa inyo ang paggawa ng Monosodium Glutamate (MSG) fertilizer, mula sa Ajinomoto o Vetsin na pampabulaklak at pampabunga ng mga tanim na iba't-ibang uri ng halaman. Ang MSG ay karaniwang gamit na pampalasa at pampasarap ng iba't-ibang lutuin. Nagtataglay ito ng micro nutrients na maganda sa mga halaman tulad ng Sili, Talong, Okra, at iba pa. Maganda din ang MSG Fertilizer sa mga Citrus tulad ng Kalamansi, Orange, Lemon, Mulberry at iba pa. Maging sa mga ornamental plants ay maganda din ang MSG fertilizer, tulad ng Mayana, Roses, Succulent Boungavilla at iba pa. Simple at madaling gawin ang MSG fertilizer at magandang ipandilig ng dalawang beses sa loob ng isang buwan sa mga halaman. Ang ibabahagi ko ay para lamang sa isang litro ng tubig. Kung marami kayong halaman na kailangan na diligan ay gumawa lang kayo ng mas marami. Ang mga kailangan na gamit sa paggawa ng MSG fertilizer ay isang pack na Ajinomoto na 11 grams ang laman, isang litro ng tubig, kutsara at empty bottle. Paraan ng paggawa, gupitin ang isang pack ng Ajinomoto, ilagay sa empty bottle at ibuhos ang 1 liter na tubig na pinasingaw magdamag para mawala ang chlorine o kaya ay tubig ulan. Kanawin mabuti ang mixture para malusaw at kapag natiyak ba lusaw na ay puwede ng ipandilig sa mga halaman. Magandang magdilig ng MSG fertilizer kapag lubog na ang sikat ng araw o alas-5:30 ng hapon. Gawin ang pagdilig ng dalawang beses sa loob ng isang buwan o kada 15-araw. Magiging maganda, mataba at malulusog ang mga halaman na dinidiligan ng MSG fertilizer. Kung nais ninyong magkaroon ng step by step na gabay sa paggawa ng MSG fertilizer ay panoorin po ninyo ang latest video tutorial ko sa Youtube channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER. Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa paggawa ng MSG ertilizer. Para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman ay maari kayong makinig at manood ng aking Radio at TV program na MASAGANANG BUHAY tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Simulcast sa Radyo Singko 92.3 News FM. Live ding mapapanood sa facebook at Youtube. Sa mga nagnanais na mapalawak pa ang kaalaman sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan ay mag-subscribe po kayo sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER. Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication, kaya umagap po kayo ng kopya. Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-txt, huwag pong tawag ah, sa 09178675197. STAY SAFE, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

Comments