Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб TIPS PARA MAGING HITIK SA BUNGA ANG BELL PEPPER в хорошем качестве

TIPS PARA MAGING HITIK SA BUNGA ANG BELL PEPPER 2 года назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



TIPS PARA MAGING HITIK SA BUNGA ANG BELL PEPPER

PAGTATANIM, PAG-AALAGA, PAGPAPABUNGA NG HITIK AT PAG-ANI NG BELL PEPPER Ngayong araw na ito ay ise-share ko sa inyo kung paano ang tamang pagtatanim at pag-aalaga ng Bell Pepper, para magkaroon ng hitik sa bunga. Maraming taglay na health benefits sa ating katawan ang Bell Pepper, tulad ng mataas na anti-oxidant content, proteksiyon laban sa sakit na cancer at puso. Nagtataglay ng Vitamin C, E, Beta Carotine at marami pang iba. Ang aking mga tanim na Bell Pepper ay pawang nasa 10-liters na empty bottle ng mineral water na aking pinalaki hanggang sa mamulaklak at nagbunga ng hitik na hitik sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan. Ang Bell Pepper ay masarap at madalas ay ginagamit na sahog sa ano mang luto mula sa karne at isda at pampasarap sa pizza. Ginagamit din sahog sa pansit, masarap sa atchara dahil katamtaman lamang ang Anghang nito at iba pang lutuin. Kung nais ninyong magtanim ng Bell Pepper ay maaari kayong bumili ng seeds nito sa mga plant nursery, SM Supermarket, Ace Hardware, Handyman, Shopwise Supermarket iba pa. Simpleng alagaan at patubuin ang Bell Papper sa 10 liters na empty bottle ng mineral water. Tiyakin lamang na matabang lupa ang gagamitin sa pagtatanim ng ano mang halaman, tulad ng Bell Pepper. Ang matabang lupa ay pundasyon ng malusog ng halaman. Ang ratio ng lupa sa pagtatanim ng mga halaman tulad ng Bell.Pepper ay 60 percent garden soil o buhaghag na lupa, 20 percent ipa ng palay o Carbonize Rice Hull at 20 percent ay tuyong dumi ng manok o chicken manure. Maaring direktang itanim sa bote ang Bell Pepper o kaya'y ipunla muna. Ibaon lang ng 1-inches sa lupa na nasa bote, saka didiligan ng bahagya araw-araw at pagkalipas ng 7-araw ay tutubo na. After 15-days ng pagkakatubo ng Bell Pepper ay maaari ng diligan at ispreyan ng natural fertilizer na Fermented Plant Juice (FPJ),.isang beses kada Linggo para manatiling malusog. Pagkalipas 30-days at nasa mahigit isang dangkal na ang laki ay i-pruning siya para magkaroon ng maraming sanga. Kapag malapit ng mamulaklak ay ispreyan na ng Fermented Fruit Juice.(FFJ) once a week. Para hindi lapitin ng mga insekto ang Bell Pepper ay one's a week na mag-ispray ng Oriental Herbal Nutrients (OHN) kahit walang naninira para maagapan agad ang posibleng manira sa ating mga tanim. Sa loob lang 60 to 80-days ay maaari ng umani ng bunga na sariling tanim na Bell Pepper. Makakatipid kana, masustansiya pa ang pagsasaluan ng buong pamilya at hindi ka maaapektuhan ng mataas na presyo ng Bell Pepper sa Merkado. Tandaan lang po na laging i-apply ang TLC-Tender Love and Care sa pagtatanim ng mga halaman para ito ay mapakinabangan. Ang Magsaskang Reporter po ay marami ng tanim na gulay, pero patuloy pang nagtatanim dahil sa paniniwalang ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat magsimula sa ating tahanan, "FOOD SECURITY STARTS AT HOME. Milyun-milyon ngayon ang nagugutom, maraming kabataan ang malnutrition, ang pagtatanim at pagkain ng gulay ang solusyon. Nagawa ko po ito, magagawa rin po ninyo. Nawa po ay nakapag-share ako ng kaalaman at impormasyon ngayong araw na ito tungkol sa pagtatanim at pag-aalaga ng Bell Pepper sa bote. Panoorin po ninyo ang video tutorial ko sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER tungkol sa step by step na pagtatanim at pag-aalaga ng Bell Pepper. Para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV at Radio program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapakinggan din po sa Radyo Singko 92.3 News FM. Live din ninyong mapapanood sa Facebook at Youtube. Maaari din kayong manood at mag-subscribe sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER para sa iba pang kaalaman at ipormasyon sa pagtatanim ng iba't-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organikong pamamaraan. Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Group of Publication.

Comments