Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео


Скачать с ютуб Epektibong Pagkukuwento (with storytelling demos) | OVP BAYANIHAN e-SKWELA в хорошем качестве

Epektibong Pagkukuwento (with storytelling demos) | OVP BAYANIHAN e-SKWELA 3 года назад


Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



Epektibong Pagkukuwento (with storytelling demos) | OVP BAYANIHAN e-SKWELA

[Episode Summary] Epektibong Pagkukuwento Ang pagkukuwento ay nakakatulong sa language development ng bata. Nabibigyan sila ng isang “safe space” kung saan malaya nilang naibabahagi ang kanilang mga saloobin at tanong ukol sa kuwento dahil walang estriktong tama o maling sagot na inaasahan mula sa kanila. Lumalawak din ang bokabularyo ng bata dahil sa mga tunog, salita, at pangungusap o istruktura ng wika na nakapaloob sa kanilang napakinggang kuwento. Napapalawig nito ang pag-iisip ng bata lalo na’t may kaakibat na epektibong estratehiya sa pagtatanong ang kuwentuhan. [Tatlong Paraan o Estilo ng Pagkukuwento] READ ALOUD: paggamit ng isang aklat na binabasa o isinasaboses ng nagkukuwento * Bago magkuwento — Pumili ng aklat na ayon sa edad at developmental stage ng bata. Kumunsulta sa co-teacher, guidance counselor, o development pediatrician. Maaari ring tingnan kung may nakatatak na edad o baitang/antas sa babasahin. — Tingnan ang mga mahahalagang salitang dapat maunawaan ng bata bago sila makinig sa kuwento. — Mag-isip ng tanong o gawain gaya ng awit o laro na may koneksiyon sa kuwento, o tanong na ang sagot ay nakapaloob sa kuwento. — Siguraduhing komportable ang posisyon ng mga bata. Ipaalala sa kanila na ginagamit ang tainga, mata’t, isipan sa pakikinig. * Habang nagkukuwento — Basahin nang maayos ang teksto. Huwang mag-imbento o mag-adlib. — Gumamit ng awit o chanting ng mga salitang paulit-ulit na lumalabas sa kuwento. — Maaari ring magtanong ang nagbabasa at sasagot naman ang nakikinig (call-and-response technique). — I-akma ang pagtatanong tungkol sa sinabi ng isang tauhan, sa pangyayari na kagulat-gulat, nakakalungkot at nakakatawa. — Hulaan ang pwedeng mangyari sa mga tauhan at tanungin ang mga bata tungkol din. Maaari rin silang hingan ng reaksiyon. — Pansinin ang mga detalye sa wika, illustration o drawing at tanungin ang mga bata ukol sa kaugnayan nito sa kabuuan ng kuwento. — Gamitin ang mata, ilong, at bibig upang maipalabas ang damdamin at mensahe ng kuwento, pati na ang nararamdaman ng mga tauhan. — Ibagay ang tono ng boses ayon sa damdaming nakasaad o hinihingi ng kuwento. — Igalaw ang katawan ayon sa hinihingi ng kuwento. — Huminga nang tama at putulin ang pagsasalaysay sa tamang bahagi ng kuwento. * Pagkatapos magkuwento — Alamin kung naengganyo at naintindihan ng bata ang kuwento. Tanungin sila ukol sa pangunahing tauhan at mga nangyari sa kuwento. Iugnay ang mga nangyari sa kuwento sa tunay na buhay. — Maaari ring ipaguhit sa bata ang paborito nilang tauhan o pangyayari, o ipasulat ang kanilang reaksiyon sa kuwento kung kaya na nilang magsulat at magbasa. — Gumawa ng puppet, maskara, greeting card, o dekorasyon sa bahay batay sa kuwentong binasa gamit ang mga pang-araw-araw na bagay, materyales, kasangkapan, o gamit sa bahay. DRAW AND TELL: paggamit ng papel at panulat sa pagkukuwento * Bago magkuwento — Siguraduhing may sapat na papel, lapis, o krayola bago simulan ang kuwento. — Kabisaduhin ang kuwentong napili. — Mag-ensayo. Maaaring may isang tagasalaysay at isang tagaguhit. * Habang nagkukuwento — Sundin ang mga panuntunan sa Read Aloud na akma sa Draw and Tell gaya ng eksaktong pagsasalaysay ng kuwento; paggamit ng boses sa paghahayag ng tiyempo; at paggamit ng tanong sa mga nakikinig na bata. — Iakma ang pagguhit sa tamang pagbanggit ng tauhan at daloy ng kuwento. — Siguruhing ang pagguhit ay sumasabay sa pagtakbo ng kuwento nang sa ganun ang huling guhit ay siyang bubuo sa biswal na pagsasalaysay ng kuwento. * Pagkatapos magkuwento — Maaaring gawin ang mga mungkahing nakasaad sa Read Aloud. — Dagdagan ng mga gawain o activities para sa mga bata gaya ng pagguhit sa sariling istilo ng naalalang tauhan o pangyayari sa kuwento. — Tanungin ang bata kung paano naging iba ang karanasan nila sa pagkatuto gamit ang estilong ito. — Gawing isang group activity ang susunod na pagkukuwento gamit ang Draw and Tell. PAPER-TEARING/PAPER-FOLDING: paggamit ng papel na ginugupit o tinutupi * Bago magkuwento — Sundin ang mga panuntunan sa Read Aloud na akma sa istilong ito. — Ihanda ang papel at gunting na gagamitin. — Kabisaduhin ang kuwentong gagamitin. * Habang nagkukuwento — Sundin ang mga panuntunan sa Read Aloud o Draw and Tell na akma sa Paper Tearing o Paper Folding gaya ng eksaktong pagsasalaysay ng kuwento; paggamit ng boses sa paghahayag ng emosyon; at paggamit ng pagtatanong sa mga nakikinig na bata. — Piliin ang mga bahagi ng kuwento na gagawan ng pagpunit o pagtupi. Ang kanilang pagkakasunud-sunod ay mahalaga para ipakitang gumugulong o umuusad ang kuwento. — Mag-iwan ng magandang twist o ending. * Pagkatapos magkuwento — Ipasalaysay sa bata ang kuwento sa pamamagitan ng mga nagupit o natuping papel. — Itanong sa mga bata kung alin ang paborito nilang tauhan, bagay, o pangyayari sa kuwento. — Ipasubok sa mga bata kung paano gawin ang paper tearing/paper folding, at alamin kung paano naging iba ang karanasan nila sa pagkatuto.

Comments